Bagyong Basyang bumagal pa, storm warning signals nakataas sa mahigit 20 lugar sa bansa

Photo: PAGASA

Bahagya pang bumagal ang tropical storm Basyang habang kumikilos pa-Kanluran.

Huling namataan ang bagyo sa 620 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugso na aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas ngayon ang signal number 2 sa Surigao del Sur at signal number 1 naman sa sumusunod na lugar:
– Southern portion of Samar
– southern portion of Eastern Samar
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Negros Oriental
– Siquijor
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Camiguin
– Compostela Valley
– Davao Oriental
– Davao del Norte
– Misamis Oriental
– Misamis Occidental
– Lanao del Norte
– Lanao del Sur
– Bukidnon
– northern portion of Zamboanga del Norte

Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 oras ay makararanas na ng hanggang sa malakas na pag-ulan ang Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region at Zamboanga Peninsula.

Bukas ng umaga ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Caraga.

Read more...