Mahigit 100 pasahero, stranded dahil sa bagyong Basyang
Aabot sa 140 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan dahil sa epekto ng tropical storm Basyang.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), maliban sa 150 na stranded na pasahero, stranded din ang 20 rolling cargoes at anim na barko.
Kabilang sa mga pantalan na nakapagtala ng stranded na pasahero ay sa PPA Port sa Surigao, Port of Lipata, at Nasipit Port sa Butuan.
Pinaalalahanan ng PCG ang lahat ng unit nila na mahigpit na ipatupad ang guidelines sa pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat na apektado ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.