Bilang ng mga napatay na umano’y miyembro ng NPA noong 2017, aabot sa 52 – Solcom
Hindi bababa sa 52 na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng pwersa ng gobyerno sa Southern Luzon noong nakaraang taon.
Maliban dito, sinabi ni Armed Forces Southern Luzon Command (Solcom) Chief Lt. General Danilo Pamonag na aabot sa 57 na hinihinalang rebelde ang sumuko sa Southern Luzon at Bicol habang 18 naman ang nadakip ng tropa ng pamahalaan.
Kasabay nito, narekober mula sa rebeldeng grupo ang 96 na matataas na kalibre ng baril at 54 na mababang klase nito noong 2017.
Samantala, nitong Enero, aabot sa 17 miyembro ng komunistang grupo at 35 tagasuporta nito ang sumuko sa Bicol.
Tiniyak naman ni Pamonag na nananatiling naka-alerto ang pwersa ng gobyerno laban sa anumang banta ng rebeldeng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.