London City Airport isinara dahil sa natagpuang vintage bomb

Inquirer file photo

Isinara ang London City Airport makaraang may matagpuan na bomba na ginamit pa noong World War II.

Nadiskubre ang bomba sa River Thames na kalapit lang ng paliparan.

Ayon sa ordnance unit, nakita ang bomba sa King George V Dock na malapit lang sa runway ng London City Airport.

May ongoing na konstruksyon sa lugar at doon natuklasan ang bomba.

Bilang security measure, nagpatupad ng 214 meters exclusion zone.

Pinayuhan din ang mga biyahero na huwag munang magtungo sa paliparan.

Sa abiso ng London City Airport, lahat ng may biyahe ay maaring makipag-ugnayan sa airline company para malaman ang estado ng kanilang flights.

Read more...