MPD naghigpit ng seguridad sa sunud-sunod na selebrasyon at paggunita ng Valentine’s Day, Ash Wednesday at Chinese New Year
Paiigtingin ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Maynila para sa selebrasyon ng Valentine’s day kasabay ang pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, partikular na babantayan ng operatiba ng Manila Police ang mga simbahan sa Archdiocese of Manila kung saan may mga gaganaping misa at recollections sa February 14, Ash Wednesday.
Ito rin aniya ang simula ng mga preliminary activities para sa selebrasyon ng Chinese New kaya’t magpapakalat sila ng 1,200 police personnel sa Binondo hanggang Divisoria.
May augmentation force din aniya na itatalaga sa PCP 2,3 at 11 kung saan sentro ng aktibidad ay ang Lucky China Town.
Ito daw kasi ang pinakamalaking China Town sa buong mundo.
Dahil dito sinabi ng hepe ng MPD na idedeploy din nila ang mga K-9 units at operatiba ng Explosive and Ordnance Division (EOD) sa paligid ng China Town lalo’t inaasahang dadaluhan ito ng mga VIP.
Tututukan din ng MPD ang Lucky China town mall kung saan magkakaroon ng fireworks display sa hatinggabi ng February 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.