Illegal recruiters ng mga OFW sa Kuwait pinatutugis ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 12, 2018 - 08:59 AM

Pinatutugis na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Immigration (BI) at iba pang sangay ng pamahalaan ang mga illegal recruiter na nagpapadala ng Filipino workers sa bansang Kuwait.

Pinabubusisi na rin ng pangulo sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung sino ang mga nagbigay ng permit sa mga recruitment agency.

Pinaghahanda na rin ng pangulo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ng kaso laban sa mga illegal recruiter para maipakulong.

Target ng pangulo, na maging non bailable offense ang isampang kaso sa mga illegal recruiter.

I want all of them, connected already by this time, arrested and placed behind bars, to face charges. Kasi it’s a continuing crime and we will have them arrested and detained without bail. Non-bailable ang nag-iillegal recruitment,” ayon sa pangulo.

Inatasan na rin ng pangulo ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan para mapanagot ang mga nasa illegal recruitment.

Pinababantayan din ng pangulo ang mga paliparan at mga pantalan sa pangambang tumakas na ng Pilipinas ang mga nasa illegal recruitment.

 

 

 

 

TAGS: Department of Tourism, Illegal recruitment, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Department of Tourism, Illegal recruitment, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.