Signal #2 itinaas ng PAGASA sa Surigao del Sur dahil sa bagyong Basyang

Napanatili ng tropical storm Basyang ang lakas nito habang humikilos papalapit ng Eastern Mindanao.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 645 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Itinaas na ng PAGASA ang signal number 2 sa Surigao del Sur habang sugnal number 1 naman sa mga sumusunod na lugar:

Sa mga susunod na oras sinabi ng PAGASA na magtataas na rin ng public storm warning signal sa Negros Oriental at sa northern section ng Zamboanga del Norte.

 

 

 

 

 

Read more...