72-hr deadline ni Pangulong Duterte para sa mass exodus ng mga OFW mula Kuwait, umpisa na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo February 12, 2018 - 08:16 AM

Sisimulan na ngayong araw ng pamahalaan ang mass exodus ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Kuwait.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, ito ay makaraang ipag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait dahil sa dinaranas nilang pangmamaltrato doon.

Ayon kay Bello, nitong nagdaang mga linggo, apat na batch na ng mga OFWs ang nakauwi galing Kuwait pero mas darami pa ito sa pagsisimula ng 72-oras na deadline ni Pangulong Duterte.

Ani Bello, magpapadala na din ng eroplano ang Philippine Airlines at Cebu Pacific para libreng mapauwi ang mga OFWs.

Ang mga uuwing OFWs aniya ay pawang mga distressed, mga biktima ng illegal recruitment at ang iba naman ay expired ang kontrata.

“Lalong dadami ang mga uuwi kasi ang PAL at Cebu Pacific magpapadala ng eroplano para mag-uwi ng ating mga kababayan mula Kuwait,” ani Bello.

Nakapanlulumo aniya ang sitwasyon ng mga OFWs sa Kuwait na ang iba, dalawa lang ang amo base sa pinirmahang konrata pero sampu ang dinatnang amo sa Kuwait.

Sa rekord ng DOLE, 65 ang OFWs sa Kuwait ang biktima ng panggagahasa.

Mayroong 250,000 na documented workers sa Kuwait at marami rin ang undocumented workers.

 

 

 

 

 

TAGS: kuwait, mass exodus, mass repatriation, OFWs, Overseas Filipino Workers, Radyo Inquirer, kuwait, mass exodus, mass repatriation, OFWs, Overseas Filipino Workers, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.