Lalaking nanutok umano ng baril, arestado sa Malate, Maynila

By Mark Makalalad February 12, 2018 - 07:59 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Alfonso St. Malate Maynila.

Todo-tanggi pa ang suspek na si Nicolo Dominic Lagunsad, 26 taong gulang na sa kanya ang nakuhang baril ng mga pulis pero iginigiit ng mga otoridad na nagsiga-sigaan ito at nanutok ng baril sa isang residente ng lugar.

Ayon kay Chief Inspector Paul Sabulao, hepe ng Arellano PCP, nang puntahan aniya ng mga pulis si Lagunsad sa sasakyan nito ay nakuha sa kanya ang kalibre .45 na kargado ng pitong bala.

Napag-alaman din na hindi lisensyado ang baril na kanyang gamit.

Samantala, aminado naman ang suspek na nakainom siya ng alak nang mahuli sya pero hindi umano sya nanakot o ‘di kaya naman ay nanutok nito.

Bukod dito, hiram nya lang din daw ang sasakyan na gamit nya sa kanyang lolo kaya posible rin na lolo nya ang gumagamit ng baril.

Mahaharap ngayon ang suspek sa reklamong illegal possession of firearms.

 

 

 

 

TAGS: crime, gun, manila, metro malate, crime, gun, manila, metro malate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.