Tropical storm Basyang, bahagyang bumagal, signal #1 nakataas sa 14 na lugar sa bansa

Bumagal ang pagkilos ng Tropical storm Basyang ang habang papalapit sa Mindanao.

Ayon sa pinakahuling weather update ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 690 kilometro sa Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa kanluran – hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Inaasahan pang babagal ito habang papalapit sa Caraga region.

Bukas ito inaaasahang tumama sa rehiyon kung hindi magbabago ang bilis nito.

Nakataaas ang Tropical Cyclone Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Posibleng lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) madaling araw ng Biyernes

Samantala, nakakaapekto naman ang Northeast monsoon sa hilagan bahagi ng Luzon.

 

 

 

 

Read more...