2 patay kabilang ang isang sanggol sa pagsalpok ng bus sa puno sa CamSur

By Kabie Aenlle February 12, 2018 - 03:59 AM

 

Patay ang isang limang buwang gulang na sanggol at isang ginang matapos sumalpok sa puno ang isang pampasaherong bus sa Del Gallego, Camarines Sur.

Samantala, pito katao naman ang sugatan dahil sa insidente, at ang ilan sa kanila ay sinasabing nasa kritikal na kondisyon

Ayon sa ibang mga pasahero, mabilis ang pagpapatakbo ng driver sa bus at walang habas na lumiko sa kurbada ng kalsada nang mangyari ang aksidente.

Tumakas ang driver pagkatapos nito, ngunit kalaunan din ay sumuko sa mga otoridad.

Hindi pa naman nakikilala ang babaeng nasawi sa aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.