Pabrika ng pekeng sigarilyo, sinalakay ng CIDG sa Guiguinto, Bulacan
Sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang pabrika sa Guiguinto, Bulacan.
Napag-alaman kasi na mga pekeng sigarilyo ang ginagawa sa nasabing pabrika na matatagpuan sa loob ng isang warehouse.
Tumambad sa mga ahente ng CIDG ang mga pekeng seals at tax stamps na ginagamit sa pamemeke ng ilang mga brand ng sigarilyo.
Nakarehistro sa pangalan ng isang Chinese ang naturang pabrika, ngunit hindi pa siya natatagpuan ng mga otoridad.
Dahil dito, ang asawa ng Chinese national ang iniimbestigahan muna ng CIDG, pati na ang nasa 70 mga trabahador ng pabrika.
Hindi ito ang unang beses na may nabistong pabrika ng mga pekeng sigarilyo na gumagamit pa ng mga pekeng tax stamps.
Noong 2016, dalawang magkahiwalay na pabrika ng mga pekeng sigarilyo ang sinalakay naman ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).
Samantalam noong nakaraang taon naman, isang pabrika din sa Brgy. Tabe sa Guiguinto ang sinalakay ng mga tauhan din ng Customs dahil sa paggawa din ng mga pekeng produkto tulad ng mga sabon, sigarilyo, sapatos at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.