Anim na apartment unit, nasunog sa Pasig

By Mark Makalalad February 12, 2018 - 12:28 AM

 

Kuha ni Mark Makalalad

Tinupok ng apoy ang anim na pintuang apartment unit sa 3rd St. Brgy. Kapitolyo, Pasig alas-10:21 kagabi.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Anthony Arroyo ng Bureau of Fire Protection, nabatid na pagmamay-ari ni Aileen Eusebio ang nasunog na apartment kung saan ang isa mga tinitingnan na dahilan ay problema sa kuryente.

Nagsimula umano ang sunog sa Unit-6 ng apartment na mabilis naman na kumalat sa mga katabing unit nito.

Samantala, bukod dito, idineklara namang water damaged ang 3 iba pang unit ng apartment.

Aabot sa apat na milyong piso ang inisyal na pinsala na dulot ng sunog.

Maswerteng wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.

Samantala, dakong alas-11:30 ng gabi nang ideklarang fire out ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.