No-contact apprehension sa mga illegally-parked vehicles, ipapatupad sa mga secondary roads

By Justinne Punsalang February 11, 2018 - 11:35 PM

 

Simula bukas, araw ng Lunes, February 12, ay ipapatupad na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang no-contact apprehension policy para sa mga may-ari ng mga sasakyang naka-parada sa mga secondary roads.

Sa isang linggong dry run, magpapakalat ang MMDA sa kalakhang Maynila ng mga traffic enforcers na mayroong suot na mga body camera para kuhanan ng video ang mga illegally parked na mga sasakyan.

Ayon kay MMDA operations supervisor Bong Nebrija, partikular na pupuntahan ng mga MMDA team ang mga kalyeng mayroong ‘No Parking’ signs.

Kung darating ang mga may-ari ng sasakyan sa loob ng limang minuto, bibigyan sila ng ticket at pagbabayarin ng P500 multa.

Ngunit kung hindi naman darating ang mga may-ari ng sasakyan ay makakatanggap ng summons ang mga ito kalakip ang video footage bilang ebidensya.

Mayroon namang pitong araw para i-contest o kontrahin ng mga may-ari ng sasakyan ang matatanggap na summon.

Paliwanag ni Nebrija, mas mabilis ang operasyon ng MMDA sa pamamagitan ng no-contact aprrehension, kaysa i-tow pa ang mgasasakyan. lalo na’t masikip ang ilang mga kalye.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.