‘Basyang’ nakapasok na sa PAR, 4 na lalawigan nasa signal no. 1
Nakapasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na ‘Sanba’
Dahil dito, tatawagin na ang bagyo bilang ‘Basyang’.
Bago pa ito pumasok sa PAR, itinaas na sa kategoryang tropical storm ang bagyo.
Namataan ito sa silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kph.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong west northwest sa bilis na 27 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal sa mga lalawigan ng Dinagat islands, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Davao Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.