Babaeng backrider, ‘nag-beast mode’ matapos 2 ulit na mahuling walang suot na helmet

By Jay Dones February 11, 2018 - 07:39 PM

 

Courtesy: Gadget Addict

Viral ngayon sa social media ang pagwawala at pagmumura ng isang babaeng angkas ng motorsiklo sa mga tauhan ng MMDA matapos itong hulihin ng dalawang beses dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Sa post na kumakalat sa Facebook, makikita ang babaeng backrider na pinagmumura at pinaghahampas ang mga MMDA constable na sumita sa kanila sa Visayas Ave., sa QC.

Sa video, maririnig ang paninita ni MMDA operations supervisor Bong Nebrija sa dalawang rider dahil muling nahuli ang mga ito na hindi pa rin suot ang kanilang helmet sa Visayas Ave., QC.

Lumilitaw na una nang nasita ang dalawa at natiketan may labinlimang minuto pa lamang ang nakalilipas sa Road 3, Project 6 sa QC dahil sa hindi rin pagsusuot ng helmet.

Idinahilan naman ng dalawa na kaya hindi niya suot ang helmet ay dahil nakalagay dito ang kanilang biniling ulam.

Gayunman, lalong nagwala ang babaeng backrider nang mapansin nitong kinukunan siya ng video.

Tinangka pa itong pigilin ng lalakeng driver ng motorsiklo ngunit maging siya ay sininghalan ng babae.

Dito na ito nagpasya si MMDA operations supervisor Bong Nebrija na muling tiketan ang driver ng motorsiklo dahil sa kabiguan ng backrider na magsuot ng helmet.

Samantala, sa Facebook post naman ng isang Chezka Bautista na nagpakilalang backrider ng nahuling motor, iginiit nito na mistula silang nilait at binastos ng mga MMDA constable nang pagtawanan sila ng mga ito nang mahuli.

Ang panalalait aniya ng mga ito ang dahilan kung bakit siya nagwala nang masita.

Abusive Rider

This video might not be suitable for young children due to bad language and a little violence. Thank you to JV for sharing this video and for keeping his composure while being attacked by this girl.Back Story: – This motorcycle was originally stopped on road 3 for not wearing helmet.- The lady became abusive and complained that she thinks one of the enforcers is laughing at her.- They explained the complaints process to her and gave her the name of the enforcer that she thinks is laughing.- They issued a ticket and moved on, because she's cursing at them. There's no value in trying to talk with someone when they're acting like that.The Video:About 15 minutes after the first ticket, they came across the same motorbike on Visayas Avenue and noticed the girl still isn't wearing her helmet. Why isn't she wearing her helmet? – ”Eh may binili kaming ulam (at sa helmet nilagay)”

Posted by Gadget Addict on Saturday, February 10, 2018

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.