Tanging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) lamang ang maaaring bumili ng mga high-powered guns sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng pagpapatupad ng mas istriktong gun control sa Pilipinas.
Kaya naman ipinag-utos ng pangulo sa lahat ng mga nagbebenta ng baril na bawal na nilang ibenta ang mga matataas na kalibre ng baril maging sa mga government officials.
Ayon sa pangulo, dapat ibalik ang mga katulad na armas sa himpilan ng PNP sa Camp Crame.
Nagbabala rin ang pangulo sa mga tropa ng pamahalaan na makukulong ang sinumang magbebenta ng kanilang mga armas sa mga kalabang rebelde at terorista.
Sa umpisa ng panunungkulan ni Duterte, sinabi nito na pawang mga shotgun at short rifles na lamang ang maaaring bilhin at mabigyan ng lisensya sa mga sibilyan.