3 turista, patay matapos bumagsak ang isang helicopter sa Grand Canyon

By Angellic Jordan, Justinne Punsalang February 11, 2018 - 02:31 PM

Inquirer file photo

Patay ang tatlong turista habang sugatan naman ang apat na kasamahan matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Grand Canyon sa Amerika.

Ayon sa mga otoridad, isa o dalawa pang katao ang posibleng kasama sa naturang helicopter na bumiyahe para sa tour sa lugar.

Ani Hualapai Nation police chief Francis Bradley, bumagsak ang Eurocopter EC130 helicopter sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Arizona bandang 5:20 pm.

Ayon naman kay Allen Kenitzer mula sa Office of Communications ng Federal Aviation Authority (FAA), nagtamo ng “substantial damage” ang naturang aircraft.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya katuwang ang FAA at National Transportation Safety Board sa aksidente.

TAGS: Eurocopter EC130 helicopter, FAA, Grand Canyon, Hualapai Nation police, Eurocopter EC130 helicopter, FAA, Grand Canyon, Hualapai Nation police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.