Suplay ng NFA rice, hindi kapos – Sen. Villar

Inquirer file photo

Walang kakapusan ng suplay ng NFA rice.

Ito ang mariing pahayag ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on Agriculture and Food sa gitna ng ulat na nagkakakubusan na ng suplay ng NFA rice sa merkado.

Ayon kay Villar, may sapat na suplay ng bigas at ang National Food Authority ang nagkulang sa kanilang tungkulin kung kaya bumaba ang buffer stock.

Sinabi pa ni Villar na hindi kasi nag-ikot ang NFA sa mga probinsya para bilhin ang inaning palay ng mga magsasaka.

Una rito, naghain na ng resolusyon si Villar para paimbestigahan sa Senado ang kakulangan ng suplay ng bigas.

Sa February 27 itinakda ng Senado ang pagdinig ukol sa ulat ng kakulangan ng suplay ng NFA rice.

Read more...