Czech Republic, bukas kumuha ng mga Pilipinong manggagawa
Bubuksan na ng Czech Republic ang pintuan nito para sa mga Pilipinong manggagawa.
Ayon kay Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa Jr., partikular na kailangan nila ngayon ang mga caregiver, driver. technician, nurse, butcher at iba pa.
Gayunman, sinabi ni Olsa na binabalangkas pa lamang ngayon ang bilateral labor agreement ng dalawang bansa pati na ang visa ruling.
Bukod sa Pilipinas, target din ng Czech Republic na kumuha ng mga mangggawa mula sa Mongolia at Ukraine.
Matatandaang noong Biyernes lamang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauuwiin na niya ang mga Pinoy workers sa Kuwait dahil sa patuloy na pang-aabuso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.