Ikaapat na grupo ng mga OFW sa Kuwait, nakauwi na ng bansa
Nakarating na bansa ang 25 overseas Filipino workers na napauwi mula sa Kuwait, Linggo ng umaga.
Ito ay bunsod ng ipinatupad na deployment ban ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagpapadala ng manggagawang Pilipino sa Kuwait.
Lumabas kasi ang mga ulat ng umano’y kaso ng pagpatay at pag-mamaltrato sa mga OFW sa Kuwait.
Dumating ang ikaapat na grupo ng mga napauwing OFW lulan ng Philippine Airlines flight PR 669 sa Ninoy Aquino International Airport bandang 6:30 ng umaga.
Samantala, inanunsiyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pormal na pag-isyu ng total deployment ban sa Kuwait sa araw ng Lunes, February 12, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.