Lider ng Mamanwa tribe, patay sa Surigao del Norte
Patay ang isang lider ng Mamanwa tribe matapos barilin umano ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Alegria, Surigao del Norte.
Ayon kay 402nd Brigade commander Brig. Gen. Franco Gacal, binaril ang biktimang si Guillermo Tiambong habang nagsasaka sa bahagi ng Barangay Camp Edward.
Aniya, alam ng pamilya ni Tiambong na mayroong threat ang NPA sa biktima.
Suportado kasi aniya dati ng 58-anyos na lider ang NPA ngunit naging malapit sa mga sundalo nang sumama sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno nitong mga nakaraang taon.
Samantala, inamin naman ni Gacal na mahirap masiguro ang kaligtasan ng mga lumad.
Karamihan kasi aniya ay nakatira sa malalayong parte ng mga bundok.
Dahil dito, iminungkahi ng militar na pansamantalang ilipat ng tirahan ang mga lumad na target ng rebeldeng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.