Panibagong bagyo, inaasahang papasok ng PAR mamayang gabi

Photo: PAGASA

Inaasahang papasok ang tropical depression sa Philippine Area of Responsibility, Linggo ng gabi.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA weather forecaster Ariel Roxas na papangalanan ang bagyo na ‘Basyang.”

Namataan ang Bagyong Basyang sa layong 1,355 kilometers sa Silangan ng Mindanao.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometer per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 65 kph habang bumabaybay pa-Kanluran sa bilis na 25 kph.

Aniya, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Visayas o Mindanao.

Sa ngayon, patuloy aniya ang pag-monitor ng weather bureau kung magiging maulan ang selebrasyon ng Valentine’s Day sa Pilipinas sa darating na Miyerkules.

Samantala, magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan ang northeast monsoon o amihan sa Cagayan Valley at Cordillera.

Makakaranas naman ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ng localized thunderstorms na posibleng magdulot ng pagbaha o landslide.

Ito na ang ikalawang bagyong papasok sa bansa ngayong taon.

Read more...