Sen. De Lima, hinikayat ang gobyerno na agad tulungan ang mga OFW sa Qatar

Inquirer file photo

Hinikayat ni Senador Leila De Lima ang mga ahensiya ng gobyerno na agad tulungan ang daan-daang overseas Filipino workers na mapapauwi mula sa Qatar.

Nawalan ng trabaho ang mga apektadong OFW bunsod ng nagpapatuloy na diplomatic crisis sa Gitnang Silangan.

Aniya, inaasahan ang paggabay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) hindi lamang sa pagbabalik-bansa ng mga OFW kundi maging sa pagsisimula muli ng mga ito.

Dapat aniyang matiyak ng gobyerno na matutulungan ang mga OFW sa paghahanap ng bagong trabaho o makapagsimula ng negosyo.

Dagdag pa nito, dapat maging prayoridad ang kaligtasan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Matatandaang kinumpirma ng DOLE na aabot sa 600 OFWs ang nawalan ng trabaho sa naturang bansa.

Read more...