Dumi ng mga Panda posibleng maging alternative source of energy

By Den Macaranas September 30, 2015 - 03:23 PM

Inquirer/AP photo
Inquirer file photo

Nakatutok ngayon ang mga Belgian researchers sa pag-aaral sa mga dumi ng mga Panda kaugnay sa posibilidad na pwede itong pagmulan ng isang uri ng “biofuel” bilang alternative gas source.

Sinabi ni Prof. Korneel Rabaey, Head ng Biochemical and Microbial Technology Department ng Ghent University sa Belgium na kanilang natuklasan ang isang uri ng microorganism sa dumi ng mga Panda na nagtataglay ng mataas na quantity ng isang uri ng chemical kahalintulad sa biofuel.

Base sa kanilang pag-aaral sa mga Panda na sina Xing Hui at Hao Hao na kapwa matatagpuan sa loob ng Pairi Daiza Zoo sa Belgium, tanging mga tangkay lamang ng bamboo o kawayan ang kanilang kinakain.

Nang pag-aralan ang kanilang mga dumi mula sa kinakain nilang kawayan ay natuklsan na nagtataglay ito ng microorganism na puwedeng gawing energy source tulad ng methane.

Sa loob ng isang araw ay halos sampung kilo ng kawayan ang nakakain ni Hao Hao samantalang mas marami naman ang kayang ubusin ng anim na taong gulang na si Xing Hui.

Ipinaliwanag ni Prof. Rabaey na sa dami ng kinakain nilang kawayan ay malaking ang posibilidad na marami silang maha-harvest na biofuel sa hinaharap at higit pa na darami ito kapag dinagdagan ang bilang ng mga Panda na isasama sa kanilang ginagawang pag-aaral.

Gusto ring alamin ng mga eksperto kung bakit tanging ang tangkay lamang ng kawayan ang kinakain ng mga Panda at hindi nila pinapansin ang iba pang bahagi ng naturang uri ng puno.

Pati ang ilang scientists sa U.S ay nagpahatid rin ng kahandaan na tumulong kaugnay sa posibilidad na pag-gamit sa dumi ng mga Panda bilang alternative source of energy.

TAGS: Alternative energy source, Belgium, Biofuel, Panda, Alternative energy source, Belgium, Biofuel, Panda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.