CHR, handang makipag-tulungan sa imbestigasyon ng ICC sa umano’y drug war killings sa bansa

By Angellic Jordan February 11, 2018 - 08:36 AM

Inquirer file photo

Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) na handa silang makipag-tulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y libu-libong kaso ng pagpatay sa kampanya ng administrasyong Duterte sa ilegal na droga.

Kasabay nito, hinikayat ni CHR chairman Chito Gascon ang police at justice department na makipag-ugnayan sa ICC para sa ginagawang preliminary examination kaugnay sa reklamong crimes against humanity kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban dito, dapat rin aniyang imbestigahan ang kakulangan ng kooperasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga operasyon.

Samantala, sinabi ni ICC prosecutor Fatou Bensouda na pag-aaralan ng ahensiya ang mga kaso simula noong July 1, 2016.

TAGS: CHR, ICC, preliminary examination, Rodrigo Duterte, War on drugs, CHR, ICC, preliminary examination, Rodrigo Duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.