Luis Manzano at Jessy Mendiola malapit na nga bang magpakasal?

By Justinne Punsalang February 11, 2018 - 06:29 AM

Palaisipan ngayon sa mga netizens at fans nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kung malapit na bang ikasal ang magkasintahan.

Ito’y matapos mag-post si Jessy ng isang litrato sa kanyang Instagram account kung saan naka-ayos ito na parang isang bride-to-be.

Sa caption ay nilinaw naman ng Kapamilya actress na ito ay para sa isang bridal endorsement shoot.

Ngunit nakadagdag pa sa kilig at pagkalito ng mga netizens ang naging comment ng boyfriend ng aktres na si Luis kung saan sinabi nito na “Soon po.”

Hinala ng mga netizens, ibig sabihin ni Luis na malapit na silang ikasal. Ngunit tingin naman ng iba, gusto lang sabihin ng host na malapit nang ilabas ang endorsement ni Jessy.

Ilang beses nang nagpahiwatig ang dalawa na ang isa’t isa na ang kanilang gusto habambuhay ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa silang sinasabi kung may plano na ba silang lumagay sa tahimik.

TAGS: Jessy Mendiola and Luis Manzano hints about getting married, Jessy Mendiola and Luis Manzano hints about getting married

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.