NoKor leader Kim, inimbitahan si SoKor President Moon sa Pyongyang

By Rhommel Balasbas February 11, 2018 - 05:05 AM

AP Photo

Inimbitahan para sa isang pulong sa Pyongyang ni North Korean leader Kim Jong Un si South Korean President Moon Jae-in.

Ayon sa tagapagsalita ng Presidential Blue House, ang naturang imbitasyon ay inanunsyo mismo ng kapatid ni Kim Jong Un na si Kim Yo Jong na tumungo ng South Korea para sa Winter Olympics bilang special envoy ng kanyang bansa.

Nakadaupang palad ni Moon si Kim Yo Jong maging ang ceremonial head of state ng North na si Kim Yong Nam sa naganap na lunch sa Blue House nitong Sabado.

Sakaling matuloy, ito na ang magiging ikatlong inter-Korean summit matapos ang parehong pagpupulong na naganap noong 2000 pagitan ng ama ni Kim at ni Kim Dae Jung at noon ding 2007 sa pagitan ni Kim Jong Il at Roh Moo-hyun.

Ayon kay Presidential Spokesman Kim Eui-kyeom, isang personal na liham ang ipinahatid ng NoKor leader sa kanyang kapatid kung nakasaad na nais niyang mapaganda ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon kay Kim Yo Jong, nais ni Kim Jong Un na makapulong si Moon sa lalong madaling panahon.

Matagal nang nais ni Moon na magkaroon ng diplomatikong pag-uusap kasama si Kim upang mapahupa ang nuclear ambitions nito.

Gayunman, hindi agad tinanggap ni Moon ang imbitasyon ngunit nanawagan sa paggawa ng mga tamang kondisyon para sa kanyang pagbisita.

Hinimok niya rin ang Pyongyang na makipagdayalogo sa Estados Unidos.

Matagal nang pinipilit ng US ang North Korea na itigil na ang nuclearization nito bago ang anumang negosasyon ngunit iginiit ng Pyongyang na hinding-hindi sila titigil sa pagsasagawa nito.

TAGS: Inter-Korean summit, Kim Jong Un invites Moon Jae-in for a summit, North Korea and South Korea, Inter-Korean summit, Kim Jong Un invites Moon Jae-in for a summit, North Korea and South Korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.