Pagpapabilis sa proseso ng pag-aampon isinusulong ni Sen. Poe

Balak ni Senador Grace Poe na maghain ng panukalang batas na magpapabilis sa proseso ng pag-aampon sa bansa.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng senadora na magiging “administrative in nature” na lamang ang pag-aampon. Ibig sabihin, hindi na kakailanganin pang dumaan nito sa korte.

Sa ngayon kasi, sumasailalim sa kapwa judicial at administrative procedures ang pag-aampon na madalas ay mabagal na proseso. At dahil nagkakaroon pa ng judicial process ay nagiging mahal ang pag-aampon.

Samantala, ayon naman kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) officer-in-charge Emmanuel Leyco, handa ang kagawaran na ipatupad ang panukala ng senadora sa oras na maging isa na itong ganap na batas.

Read more...