650 disaster resilient houses, ipinamahagi ng Red Cross sa Yolanda Survivors sa Leyte

By Rhommel Balasbas February 11, 2018 - 04:44 AM

PRC Photo

Bilang bahagi ng rehabilitation program para sa mga lubhang naapektuhan ng Super Bagyong Yolanda ay namahagi ang Philippine Red Cross ng 650 na bahay sa mga survivors ng kalamidad.

Ang naturang mga bahay ay kayang manatiling buo sa kabila ng sakuna o ang tinatawag na ‘disaster resilient’.

Pinangunahan ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon ang ceremonial turnover ng mga bahay na isinagawa ng organisasyon sa tulong ng Qatar Red Crescent Society (QRCS).

Ipinamahagi ang mga bahay sa 650 na pamilya sa pitong baranggay sa bayan ng Sta. Fe.

Ayon kay Gordon, ang mga naturang bahay ay kayang manatiling nakatayo kabila ng hanging may lakas na 240 kilometro kada oras.

Bukod sa mga tahanan ay nagbigay din ng pagsasanay ang PRC sa mga residente kung paano magkumpuni at patitibayin ang kanilang mga bahay sa kasagsagan ng malalakas na bagyo.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonya ay ang mga lokal na opisyal ng Sta. Fe, mga opisyal ng PRC Leyte Chapter at mga kinatawan ng QRCS.

TAGS: Philippine red Cross, Yolanda Rehabilitation, Philippine red Cross, Yolanda Rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.