Miyembro ng Bayawak Drug Syndicate patay sa engkwentro sa Taguig City

Dead on the spot ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos itong maka-engkwentro ang mga operatiba ng Taguig City Police Station.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, nagpapatrolya sila sa Lower Bicutan nang madaanang nag-iinuman ang lalaki at iba pang mga kasamahan nito.

Dapat ay sisitahin lamang nga mga pulis ang grupo, ngunit tumakbo ang mga ito, dahilan para sundan ng mga otoridad.

Naunang nagpaputok ang grupo ng lalaki dahilan naman para gumanti rin ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay ng lalaki na napag-alamang isang miyembro ng ‘Bayawak’ drug syndicate.

Nakatakas naman ang iba pang mga kasmahan ng lalaki.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 baril.

Napagalaman na ang ‘Bayawak’ group ang silang responsable sa bentahan ng iligal na droga sa Lower Bicutan at mga kalapit na barangay.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang followup operation ng mga pulis para tugisin ang mga nakakalayang kasama ng lalaki.

Read more...