Diocese of Mati, may bagong Obispo

CBCP News Photo

Pinangalanan na ang bagong Obispo ng Roman Catholic Diocese of Mati sa Davao Oriental.

Sa ulat ng CBCP News, itinalaga bilang bagong pastol ng diyosesis si Msgr. Abel Apigo, ang kasalukuyang rector ng St. Francis Xavier Regional Major Seminary.

Ang 49-anyos na bishop-elect ay tubong Calinan, Davao City at inordinahan bilang pari noong April 18, 1994.

Inanunsyo ang pagkakatalaga kay Apigo sa isang Misa bilang bahagi ng 8th annual gathering ng Friends of REMASE, na isang grupong binuo para suportahan ang pag-aaral ng mga seminarista sa Mindanao.

Ang communique na nilagdaan ni Apostolic Nuncio Gabriele Caccia ay binasa sa buong komunidad ni REMASE Vice Rector Fr. Reynaldo Retardo.

Si Apigo na ang ikalawang Obispo ng Mati matapos ang pagreretiro ni Bishop Patricio Alo dahil sa kadahilanang may kinalaman sa kalusugan.

Read more...