Zamboanga City hindi kailanman sasali sa Bangsamoro region

By Justinne Punsalang February 11, 2018 - 04:24 AM

Sinalubong ng palakpak ng mga residente ng Zamboanga City ang naging pahayag ng kanilang alkalde na si Maria Isabelle Climaco nang sabihin nito na hindi kailanman magiging bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region (BAR) ang lungsod.

Sa ginanap na ika-10 pagdinig sa Bangsamoro Basic Law ng Senate subcommittee,sinabi ni Climaco na wala sa 98 barangay sa lungsod na puro mga Katoliko ang magiging bahagi ng Bangsamoro.

Aniya, sa 1989 plebiscite ay mahigit 90,000 mga residente ang bumoto laban sa pagiging kasali ng lungsod sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) at mahigit 112,000 naman ang bumoto sangayon sa pagbubukod sa Zamboanga City sa ARMM noong 2001.

Buong lungsod din ang hindi sangayon sa pagpirma ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaya naman ayon sa alkalde, hanggang sa ngayon ay hindi magbabago ang stand ng Zamboanga City.

Ayon pa kay Climaco, isa sa kanilang mga inaalala ang posibleng magiging hatian sa sakop na dagat ng Zamboanga City at ng magiging Bangsamoro region.

Aniya, dapat ay manatili ang municipal waters ng Zamboanga City sa kanilang pamamahala. Bukod pa ito sa pagpapanatili ng mga regulasyon ng national government tungkol sa deep-sea fishing na hindi dapat mapunta sa Bangsamoro.

Ayon kay Climaco, posibleng magkaroon ng pangmatagalang epekto sa food security kung magkakaroon ng kahati ang Zamboanga City sa dagat na sakop nito.

Samantala, ayon naman kay Senate President Aquilino Pimentel III, isa nang ‘settled issue’ ang hindi pagiging bahagi ng Zamboanga City sa gagawing plebisito tungkol sa Bangsamoro region.

TAGS: bangsamoro basic law, Bangsamoro Region, Zamboanga City, bangsamoro basic law, Bangsamoro Region, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.