Ito ay matapos niyang tawagin na isang tapunan ng basura ang nasabing tourist spot dahil sa dami ng basurang nagkalat sa baybaying dagat nito.
Ayon sa pangulo, nagiging isa nang major health at environment hazard ang Boracay dahil sa dami ng nagkalat na basura sa lugar.
Ayon pa dito, nang siya ay magpunta sa Boracay, halos 20 metro mula sa pampang ay napakarami nang basura at amoy na amoy na rin ang baho nito.
Aniya, darating ang panahon na wala nang dayuhang turistang bibisita sa Boracay kung magpapatuloy ang problema dito sa basura.
June 2017 naman nang balaan ni Cimatu ang alkalde ng Malay kung saan kabilang ang Boracay na solusyunan na ang problema ng isla sa basura kung hindi nito gustong makasuhan.