Tagalog emergency alert system sa Nevada, isinusulong ng isang US senator
Isinusulong ng isang senador sa Estados Unidos ang pagkakaroon ng Tagalog na emergency alert system partikular sa Nevada.
Ayon sa pahayag ni Senator Catherine Cortez Masto sa Senate Committee on Commerce, Science and Transportation, mahalagang talakayin ang isyu ng ‘language barriers’ sa emergency alert system ng Nevada.
Ito ay matapos ang mali-maling pag-intindi sa emergency alert announcement sa state of Hawaii noong Enero na isang ballistic missile ang tatama sa lugar na nagdulot ng takot at pangamba sa mga mamamayan.
Iminungkahi ng senador ang paggamit ng Tagalog sa emergency alert systems sa Nevada.
Anya, sa naturang estado ay malaki ang bilang ng populasyon ng mga Filipino partikular sa Southern Nevada kaya’t mahalaga ang wikang Tagalog.
Ang hindi pagiging maalam ng mga Filipino sa ibang wika tulad ng wikang Espanyol ay isang balakid upang maintindihan ang emergency alert system.
Inaasahang maraming Filipino lalo na ang matatanda ay makikinabang sa inisyatibo ni Masto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.