Pinasala ng El Niño sa agrikultura umabot na sa 3 bilyon
Umakyat na sa 3 bilyon piso ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura sa bansa at inaasahan na tataas pa habang patuloy na nagsasagawa ng assessment ang Department of Agriculture.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Field Operations Ed De Luna, palay,mais at high value crops ang nasapol ng matinding tagtuyot.
Isa sa pinakamatinding tinamaan nito ay ang SOCKSARGEN Region at Nortern Luzon.
Maraming magsasaka rin ang hindi na makapagtanim ng palay at mais dahil sa kawalan ng tubig kaya’t hinihikayat ng DA ang mga magsasaka na magtanim muna ng mga pananim na hindi nangangailangan ng tubig tulad ng monggo.
Tinututukan ng DA ang 32 probinsya na ayon sa pag-asa ay pinakagrabeng maapektuhan ng El Niño.
Sa tala ng DA, apat na probinsya na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding tagtuyot kabilang ang South at North Cotabato, Isabela at Quirino.
Nakatakda na rin ang DA-Bureau of Soils and Water Management sa tulong ng PAF na magsagawa ng cloud seeding operation.
May 500 Milyon piso na quick response fund ang DA para ayudahan ang mga maapektuhan ng El Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.