Angel Locsin, inamin na ang tunay na estado ng relasyon kay Neil Arce

“Yes, we’re together.”

Ito ang bahagi ng sagot ni Angel Locsin sa panayam ng PEP.ph sa kanya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Neil Arce.

Ayon sa aktres, nahihirapan na siya sa mga panayam kaya inamin na niya ang tunay na namamagitan sa kanila ni Arce.

Gayunman, nilinaw naman ni Angel na ngayong buwan lamang naging sila.

Nagbigay ding pahiwatig ang aktres kung paano nila ipagdiriwang ang Valentines Day.

Anya, may inihanda ang kanyang partner at maaari anya silang magdinner lang.

Masaya rin anya siya dahil boto ang kanyang pamilya kay Neil na kaibigan niya na sa loob ng pitong taon.

Read more...