Dating Abra Governor Valera, hinatulang guilty sa pagpatay kay Bersamin

ABRA PAHinatulang makulong ng habangbuhay si Abra Ex-Gov. Vicente Valera, matapos na mapatunayang guilty sa two counts ng murder na may kinalaman sa pagpatay kay dating Abra Representative Luis Bersamin at ang police escort nitong nung taong 2006.

Batay sa hatol ni Judge Roslyn Rabara-Tria ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84 hinatulan si Valera ng pagkakakulong ng 12 years.

Napatunayan ding guilty ang mga co-accused ni Valera na si Rufino Panday at Leo Bello na hinatulan din ng life improsonment ng korte.

Matatandaan si Bersamin at ang kanyang body guard ay binaril hanggang sa mapatay sa Mt. Carmel Church sa New Manila sa Quezon City noong Disyembre 16, 2006.

Samantala, guilty rin ang naging hatol ng korte kay Valera at sa co-accused nito para sa frustrated murder sa tangkang pagpatay sa driver ni Bersamin na si Allan Sawadan.

Read more...