25 pakete ng cocaine nakitang palutang-lutang sa Eastern Samar
Nasa pangangalaga na ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 25 pakete ng suspected cocaine na natagpuang lumulutang sa karagatang sakop ng Guiuan, Eastern Samar.
Ang nasabing mga cocaine ay unang natagpuan mangingisdang si Gomercido Nolasco ng Homonhon Island makaraan itong sumabit sa kanyang lambat.
Kaagad niya itong ipinagbigay alam sa kanilang mga Barangay officials na sila namang nakipag-ugnayan sa mga tauhan ng Philippine National Police.
Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung galing ang nasabing mga droga sa lumubog na cargo vessel na Jin Ming No. 16 sa karagatang sakop ng Pambujan, Northern Samar.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakitang palutang-lutang na mga droga sa Eastern Seaboard ng bansa.
Nauna na ring sinabi ng PDEA na posibleng idinadaan lamang sa Pilipinas ang mga nakumpiskang mga cocaine at posible itong ibenta sa ibang bansa.
Paliwanag pa ng PDEA, mas mabili sa Pilipinas ang shabu dahil higit na mas mura ito kumpara sa cocaine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.