Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, binigyan nila ng limang araw matapos matanggap ang kautusan ang Uber upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin o kaya ay suspendihin ang certificate of accreditation nito.
Base sa post ni Christine Fulgencio, tinangka siyang hatawin ng tubo ng driver ng Uber na si Niccolo Lisazo noong September 24 sa bahagi ng Valle Verde 2, Pasig City matapos itong magalit dahil sa umanoy masamang tingin niya.
Sa post ni Fulgencio, sinabi nito na galit na galit ang driver na nanlilisik ang mga mata at binuksan nito ang pinto sa likod at sapilitan siyang pinabababa habang hawak ang isang tubo.
Nakaligtas lamang ang biktima matapos itong makahingi ng tulong sa mga guwardiya ng subdivision.
Bukod sa pagsagot sa reklamo, ipinatawag din ng LTFRB ang Uber upang dumalo sa hearing sa October 6 ganap na 9 ng umaga.