Quarry operation sa paligid ng bulkang Mayon ipatitigil

By Jan Escoio February 10, 2018 - 10:43 AM

Radyo Inquirer

Ibinahagi ng pamahalaang-panglalawigan ng Albay na nakakatanggap sila ng mga impormasyon na ilang quarry operators ang nagpapatuloy sa kanilang operasyon.

Ayon kay Cedric Daep, ng Albay Public Safety and Management Office, lubhang delikado ang quarry operations kasabay nang pag aalburuto ng bulkang Mayon.

Aniya sa ngayon ay dapat suspendido ang lahat ng mga quarry operations.

Sinabi nito na sa iresponsableng paghuhukay sa mga gulley ng bulkan ay maaring makalikha ng bagong daluyan na posibleng daanan ng lahar patungo sa mga komunidad at taniman.

Paliwanag pa ni Daep dapat ang paghuhukay ay sinisimulan sa ibaba ng gulley paakyat kayat suspendido ang quarry operations bunga na rin ng aktibidad ng Mayon volcano.

Binalikan pa nito ang nangyari sa Barangay Padang na sinalanta ng lahar noong 2006 dahil ang pag-aalburuto ng Mayon ay sinabayan ng pananalasa ng bagyong Reming.

TAGS: Albay, gully, mayon volcano, quarry operations, Albay, gully, mayon volcano, quarry operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.