Lider ng Lumad sa Surigao Del Norte pinatay ng NPA

By Jimmy Tamayo February 10, 2018 - 09:53 AM

Inquirer file photo

Isa pang Lumad ang hinihinalang pinatay ng New People’s Army sa Surigao del Norte.

Sa report ni Major Exra Balagtey, public affairs officer ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom), pinagbabaril ang 58-anyos na si Dakula Guillermo Tiambong sa harap mismo ng kanyang pamilya sa Sitio Palo 10 Barangay Camp Edward sa bayan ng Alegria Biyernes ng gabi.

Si Tiambong ang Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng Mamanwa tribe sa nasabing bayan at ikalawang katutubo na pinatay ng NPA.

Noong February 4, pinatay naman si Datu Banandiao Mampaudag kasama ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa Talaingod, Davao del Norte.

Nauna nang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katutubong grupo sa lugar na lumikas na at lumipat sa mga pabahay na ipatatayo ng pamahalaan.

Una na ring nagbabala ang mga Lumad na kung magpapatuloy ang pagpatay ng NPA ay mapipilitan silang gumanti sa pamamagitan ng pangayaw o tribal war.

TAGS: CPP, Dakula Guillermo Tiambong, Davao Del Norte, Eastmincom, Lumad, NPA, CPP, Dakula Guillermo Tiambong, Davao Del Norte, Eastmincom, Lumad, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.