Kinilala ng U.S. Treasury ang tatlo na sina Yunus Emre Sakarya mula sa Turkey, Mohamed Mire Ali Yusuf na mula sa Somalia at si Abdulpatta Escalon Abubakar mula sa Pilipinas.
Si Abubakar ay sinasabing nasa likod ng pangangalap ng pondo para sa ISIS network noong 2016 at 2017.
Tumutulong din umano si Abubakar sa pagbili ng ISIS ng armas at mga pampasabog mula sa ibat-ibang bansa.
Si Abubakar ay naaresto sa Pilipinas noong Setyembre nang dumating ito sa Maynila mula sa Jeddah, Saudi Arabia.
Si Sakarya naman ang itinuturong supplier ng mga drones mula sa pag-aari nitong kompanya sa Turkey na Profesyoneller Elektronik habang si Mire Ali naman na isang negosyante ay front umano ng grupo sa Bari region ng kanilang bansa.