Pagpapauwi ng OFWs mula sa Kuwait minamadali na ng DOLE
Inihahanda na ng Department of Labor and Employment ang proseso para sa voluntary repatriation ng mga Overseas Filipino Workers sa bansang Kuwait.
Sinabi ni Labor Sec. Sylvestro Bello ito ang tugon ng pamahalaan sa dumaraming reklamo ng pagmamalupit sa mga OFWs sa nasabing bansa.
Nauna dito ay ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa deployment ng mga mangagagawang Pinoy sa Kuwait.
Ipinaliwanag ni Bello na sasagutin ng pamahalaan ang lahat ng gastos para sa mga OFW na gusto nang makauwi sa bansa.
Pinapayuyhan lamang niya ang mga ito na kaagad na makipag-ugnayan sa mga labor officers ng bansa sa Kuwait para sa mabilis na pagsasa-ayos sa kanilang mga kinakailangang dokumento.
Pinakahuli sa mga biktima ng karahasan sa bansang Kuwait ay ang isang Pinay worker na nakita ang katawan sa loob ng isang freezer.
Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, noon pa umanong Nobyembre pinaniniwalaang inilagay sa freezer ang katawan ng biktima.
Nakikipagtulungan na rin ang Interpol para maaresto ang mga amo ng pinatay na OFW na isang Lebanese at Syrian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.