Lebel ng tubig sa Angat Dam , bahagyang tumaas

By Jong Manlapaz September 30, 2015 - 01:42 PM

angat-damSana umulan pa, ito pa rin ang panalangin ng isa sa mga hydroligist ng PAGASA kasunod ng dalawang araw na tumaas ang level ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain kahapon tumaas ng 36centimeter ang lebel ng tubig sa Angat Dam, at ngayong umaga ay umakyat ng 10 centimeter.

Dahil na rin sa pagbagsak ng 77mm na dami ng ulan sa angat dam nung nakaraang Lunes.

Umaasa si Orendain na posibleng tumaas hanggang 190meter ang water level sa angat dam bago matapos ang linggong ito kapag bumagsak na ang tubig na manggagaling naman sa mga resevoir.

Ganun pa man sakabila na wala na sa critical low level ang angat dam na 180m water level hindi pa rin umano sapat ang dami ng tubig sa angat dam para sa nararanasang El Niño.

Ayon kay Orendain, bago matapos ang taong 2015 kailangan makaipon ng 212 meter na water level ang Angat Dam.

Ito ay para paghandaan ang darating panahon ng tag-init sa 2016.

TAGS: AngatDam, waterlevel, AngatDam, waterlevel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.