Namataan kasi si Moon ng publiko na lumapit at nakipagkamay sa nakababatang kapatid ni North Korean President Kim Jong Un na si Kim Yo Jong.
Si Kim Yo Jong na propaganda director ng Worker’s Party, ang isa sa mga namuno sa delegasyon ng North Korea sa Olympics na binubuo ng 22 high officials.
Ilang minuto makalipas ang simula ng seremonya, lumapit si Moon kina Kim Yo Jong at sa ceremonial head ng North Korea na si Kim Yong Nam.
Si Kim Yo Jong ang kauna-unahang miyembro ng ruling dynasty na bumisita sa South Korea matapos ang Korean War noong 1953.
Naging mainit naman ang pagtanggap ng dalawa sa isa’t isa dahil pareho pa silang nakitang nakangiti.
Binati rin ni Moon ang iba pang nasa VIP booth, kabilang na si US Vice President Mike Pence na ilang upuan lang ang layo mula sa mga kinatawan ng North Korea.