Winter Olympics 2018, maaaring pinakamalamig sa loob ng 20 taon

By Rhommel Balasbas February 10, 2018 - 04:38 AM

AP photo

Inaasahang ang nagaganap na Winter Olympics sa Pyeongyang ay ang maging pinakamalamig na edisyon ng palaro sa loob ng 20 taon.

Hindi tulad ng dalawang nagdaang Winter Olympics na halos ireklamo dahil hindi gaanong malamig, tinatayang ang temperatura sa Pyeongyang ay babagsak sa 5 degrees Fahrenheit o halos -15 degrees Celsius sa mga Olympics venues.

Inaasahan pang pangangatugin ng malalakas na hangin ang mga atleta at manonood.

Naitala ang huling pinakamalamig na panahon para sa Winter Olympics noong 1994 sa Lillehammer, Norway.

Samantala ayon naman sa ilang datos, kung ang ‘absolute low temperature’ ang pag-uusapan, pinakamalamig pa rin ang naitala sa Calgary, Canada noong 1988 na mayroong -45 degrees Celsius.

Ang lokasyon ng Korean Peninsula ay naaapetuhan ng malamig na weather condition mula China, Mongolia at Russia.

Isa pa sa mga rason ng malamig na panahon sa Pyeongyang ay dahil sa pagiging bulubunduking bansa ng South Korea na nagpapalamig lalo sa panahon tuwing winter.

Naghahanda na ang mga organizers sa Pyeongchang upang makasabay sa malamig na panahon at mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanilang staff.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.