Pagiging “publicity stunt” ng pagsuko ng mga rebelde, itinanggi ng AFP

ACE MORANDANTE/PRESIDENTIAL PHOTO

Mariing itinanggi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero ang akusasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na publicity stunt lang ang umano’y pagsuko ng mga rebelde sa mga militar.

Giit ni Guerrero, isa itong indikasyon ng kanilang “winning influence” sa mga komunidad.

Matatandaang nakaharap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 215 na mga sumukong komunistang rebelde kamakailan.

Unang batch pa lang ang mga ito ng tinatayang 600 na sumukong miyembro ng New People’s Army sa Davao at Compostela Valley mula noong nakaraang taon.

Gayunman, sinabi ng CPP na ang mga surrenderees na ito ay pawang propaganda lamang ng AFP para magmukhang humihina na ang pwersa ng NPA.

Inamin naman ni Guerrero na karamihan sa kanilang mga sumuko ay hindi kasama sa mga “regular combatants” kundi miyembro ng mga underground political structure.

Ipinaliwanag pa ng AFP chief na sumasailalim ang mga ito sa “validation process” kaya imposible ang pag-recycle o pagiging gawa-gawa lamang ng mga pagkakakilanlan ng mga rebeldeng sumusuko sa kanila.

Read more...