Helicopter deal sa Canada, pinakansela na ni Duterte

By Kabie Aenlle February 10, 2018 - 12:35 AM

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkansela sa $233 milyong halaga ng helicopter deal ng pamahalaan sa Canada.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Pangulong Duterte na huwag nang ituloy ang nasabing deal at maghahanap na lang ang gobyerno ng ibang pagkukunan ng helicopters bilang pag-respeto sa posisyon ng Canada.

“I want to tell the Armed Forces to cut the deal. Huwag na ituloy [do not continue] and somehow we will look for another supplier. We respect the stand of Canada,” ani Duterte.

Ipinahayag ito ni Duterte matapos lumabas ang mga ulat na ire-review muna ng Ottawa ang nasabing kasunduan.

Nabahala kasi ang Canada na baka gamitin ang mga bibilhin sanang 16 na Bell helicopters ng Pilipinas bilang attack helicopters.

Nilagdaan ang nasabing kasunduan kasama ang Canadian Commercial Corporation noong Disyembre ng nakaraang taon.

Una naman nang nilinaw ng AFP na gagamitin nila ang mga nasabing helicopters para sa mga search and rescue operations, at pagbiyahe sa mga nasawi at sugatan nilang mga tauhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.