P12M halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA Region 10
Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 10 ang mga nasabat na ilegal na droga na nagkakahalaga ng P12 milyon.
Ang mga winasak na ilegal drugs ay kinabibilangan ng shabu at marijuana na tumitimbang ng mahigit pitong kilo at pawang nasabat sa mga isinagawang operasyon ng PDEA Region 10.
Natapos na umanong gamitin bilang ebidensya sa mga kasong nakabinbin sa korte ang nasabing mga illegal drugs kaya pwede nang sirain.
Sinunog ang mga ilegal na droga gamit ang preheater facility sa isang planta ng semento.
Ayon kay PDEA Region 10 Director III Wilkins Villanueva may mga expired drugs din na nai-turn over sa kanila ng mga pharmacies ang isinama na sa pagwasak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.